Paano sumali?
- Promo duration: August 15 – November 14, 2016.
- Ang promo na ito ay bukas sa mga Cebuana Lhuillier clients na magcclaim ng Pera Padala mula Remitly USA at Canada.
- Isang (1) qualified Pera Padala Remitly pay-out = isang (1) e-raffle entry.
- Walong (8) masusuwerteng winners ang mananalo ng isang (1) motorcycle na may 1 year CTPL insurance each.
- Ang raffle draw ay magaganap sa P.J. Lhuillier, Inc. ICT Office 3/F The Networld Hub 156 Jupiter cor. Comet Sts., Bel-Air, Makati City 1209 ng 4:00PM sa November 25, 2016.
REMINDERS:
- Lahat ng raffle entries ay base sa transaction number na galing sa Remitly USA at Canda lamang.
- Maaaring magkaroon ng maraming entries base sa bilang ng qualified transactions.
- Isang beses lang pwede manalo ang winner sa draw.
- Lahat ng winners ay makakatanggap ng registered mail na naglalaman ng mga instructions na kailangan nilang sundin para ma-claim ang kanilang prize. Dapat nila itong i-present sa nearest Cebuana Lhuillier branch na i-aassign sa kanila kasama ang kanilang valid ID. Ang list of winners ay i-popost sa Cebuana Lhuillier branches at sa official Facebook page ng Cebuana Lhuillier (www.facebook.com/cebuanalhuillierpawnshop).
- Lahat ng mga clients ay kailangang i-update ang kanilang personal information (e.g., name, address, active mobile/telephone no., and birthday) sa Cebuana Lhuillier branch na kanilang pinag-tatransactan. Ang kanilang information na naka-record ay kikilalaning tama at magiging basehan sa pagpapadala ng kanilang notification letters.
- Ang hindi pag-receive ng mga winners ng kanilang notification letters dahil sa kanilang outdated personal information ay hindi pananagutan ng P.J. Lhuilier Inc.
- Lahat ng winners ay may animnapung (60) araw mula sa pagkatanggap ng notification letter para i-claim ang kanilang premyo. Lahat ng premyo na hindi na-claim ay mababaliwala pabor sa P.J. Lhuillier Inc. na may paunang pagsang-ayon ng DTI.
- Ang mga empleyado ng P.J. Lhuillier Inc. at mga Ad/Creatives Agency, PR and Media agencies pati ang mga kamag-anak nito hanggang second degree of consanguinity o affinity ay hindi maaaring sumali sa promo.